MANILA, Philippines – MAHIGPIT na pinagbawalan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang anomang kumpanya o service provider na makikabit sa mga linya sa mga poste ng Meralco sa loob ng lungsod ng Maynila nang walang kaukulang permiso sa nasabing electric company.
“All those telcos or any other services na gagamitin ang Meralco, hindi na po kayo pupwedeng magkabit. Simula last week, sinabi ko na ito kay Andres at Engr. Randy. Dati bulag ang Meralco, basta inaprubahan ng City Hall, maglalatag na, at ang gagamiting panangga kapag sinita ng operatives ng Meralco, may permiso kami sa LGU,” ani Domagoso.







