MANILA, Philippines – Nananatiling hindi nababahala si PCG to the West Philippine Sea spokesperson sa pag-asam ng potensyal na pagbabawal sa pagpasok sa China-isang tunay na posibilidad para sa tahasang kritiko sa mga askyon ng Beijing sa loob ng exclusive economic zone ng Manila.
Sinabi rin ni Tarriela na wala siyang plano na bisitahin ang China anumang oras.
Sinang-ayunan niya ang ‘badge of honor’ ni dating Senador Francis Tolentino kasunod ng anunsyo ng Chinese foreign ministry ng mga parusa laban kay Tolentino na kinabibilangan ng pagbabawal sa pagpasok sa mainland China, Macao at Hong Kong.
“I think that’s a badge of honor also,” sabi ni Tarriela sa Kapihan sa Manila Bay forum.
Ipinagkibit-balikat din ni Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr., ang posibilidad ng travel ban sa China. Jocelyn Tabangcura-Domenden