Home NATIONWIDE Publiko hinikayat ng DOH, bumili ng generic na gamot para makatipid

Publiko hinikayat ng DOH, bumili ng generic na gamot para makatipid

306
0

MANILA, Philippines – Hinikayat ng Department of Health ang publiko na bumili ng mga generic na gamot, matapos ianunsyo na ang presyo at generic counterparts ng branded drugs ay maaari na ngayong suriin sa pamamagitan ng eGovPH app, na tampok ngayon sa Drug price watch platform ng ahensya.

Sa Facebook post ng DOH nitong Miyerkules, Hulyo 9, maaaring makatipid ng hanggang 90 percent dahil sa mas mababang presyo sa kabila ng pagiging epektibo ng branded na gamot.

Ang eGovPH app na maaaring ma-download mula sa Apple Store o Google Play ay magsisilbi bilang one-stop shop para sa government services na may layuning pahusayin ang transparency at bawasan ang bureaucratic red tape.

Sa pamamagitan ng app, ang mga gagamit ay maaaring ma-access ang Drug Price Watch platform ng DOH sa pamamagitan ng pag-log in at pagklik sa ‘NGAs’ (National government agencies) icon sa dashboard.

Dito, maaari nang mahanap ng mga user ang DOH para ma-access ang mga available na serbisyo ng ahensya.

Maari ring ma-access sa pamamagitan ng link: https://dpw.doh.gov.ph/

Ang Drug Price watch ay isang online platform na idinisenyo para tulungan ang mga konsyumer na ma-access ang impormasyon sa drug reail prices sa kanilang lugar, ayon sa DOH. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here