MANILA, Philippines – Inaprubahan ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang pag-angkat ng 424,000 metriko tonelada ng refined sugar para sa cropping year 2025–2026 sa ilalim ng Sugar Order No. 8.
Layunin nitong tiyakin ang sapat na suplay at buffer stock ng asukal sa bansa. Ayon sa SRA, may 1.12 milyong metriko tonelada ng refined sugar ang suplay ng bansa noong Hunyo 22.
Tanging mga lisensyadong sugar traders ng SRA ang maaaring lumahok, lalo na ang may kasaysayan ng pagbili ng lokal na asukal o pag-export sa Estados Unidos. Papayagan ang pagdating ng imported sugar mula Hulyo 15 hanggang Nobyembre 30.
Nagbabala ang SRA na ang mga hindi awtorisadong pag-angkat ay maituturing na smuggling sa ilalim ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Act. Santi Celario