Home NATIONWIDE Obstruction of justice complaint vs Sen. Padilla, muling didinggin ngayong araw

Obstruction of justice complaint vs Sen. Padilla, muling didinggin ngayong araw

1
0

MANILA, Philippines — Nakatakdang ipagpatuloy ng Department of Justice (DOJ) ngayong Biyernes, Nobyembre 27, ang preliminary investigation sa reklamong obstruction of justice laban kay Senador Robin Padilla kaugnay ng umano’y pagtulong niya kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa na makaiwas sa pag-aresto.

Inaasahang dadalo si Padilla sa pagdinig sa reklamong inihain ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).

Nag-ugat ang reklamo sa alegasyong tinulungan umano ni Padilla si dela Rosa na makalabas sa compound ng Senado noong Mayo 2026 upang makaiwas sa pagpapatupad ng arrest warrant na inilabas ng International Criminal Court (ICC).

Ang warrant laban kay dela Rosa ay may kaugnayan sa mga alegasyon ng crimes against humanity na nag-ugat sa kampanya kontra ilegal na droga noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Nauna nang naghain si Padilla ng 33-pahinang counter-affidavit sa DOJ panel of prosecutors noong Nobyembre 6 upang sagutin ang mga alegasyon laban sa kanya.

Iginiit ng senador na walang naganap na pagtakas dahil wala umanong inilabas na lokal na arrest warrant ang mga awtoridad ng Pilipinas laban kay dela Rosa.

Patuloy namang sinusuri ng DOJ ang mga isinumiteng dokumento at salaysay upang matukoy kung may sapat na batayan para sampahan ng kaso si Padilla sa korte. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here