Home NATIONWIDE PBBM nagpaabot ng pakikiramay sa US sa Texas flood

PBBM nagpaabot ng pakikiramay sa US sa Texas flood

1036
0

MANILA, Philippines – NAGPAABOT ng kanyang pakikiramay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Estados Unidos matapos ang matindi at nakamamatay na pagbaha sa Texas na nagresulta ng pagkasawi ng 110 indibidwal.

Binigyang-diin ng Pangulo na nakaalalay ang Pilipinas sa Estados Unidos sa pamamagitan ng panalangin at pagkakaisa sa ganitong mahirap na sitwasyon.

“On behalf of the Filipino people, I extend our deepest sympathies to President [Donald] Trump and the American people as they face the devastating floods in Texas,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

“The Philippines knows the challenges of rebuilding after disaster and grieves with the families who have lost loved ones,” dagdag na wika nito.

Kumpiyansa namang inihayag ng Chief Executive na ang tibay at katatagan ng mga tao sa Texas, kasama ang liderato ni Trump, ay magiging gabay para sa mga ito upang makabangon.

Sa kabilang dako, puspusan pa rin ang rescue operations ng mga kinauukulan sa Texas, USA upang hanapin ang mga napaulat na nawawala dulot ng pagragasa ng baha dahil sa pag-apaw ng lebel ng tubig sa Guadalupe River matapos ang pag-ulan.

Tinatayang umabot ng halos 15 ft. ang pag-apaw ng nasabing ilog na siyang nagdulot ng pinsala sa mga kabahayan.

Kabilang na rito ang summer camp na dinaluhan ng mga batang babae at hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin pinaghahanap ang ilan pa sa mga biktima.

Napaulat na taun-taon na at hindi na bago ang pagbaha sa nasabing estado.

Gayunpaman, wala namang warning device na nakapagsabi ng nasabing pagbaha. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here