MANILA, Philippines – Isang tao ang nasawi at apat ang sugatan matapos magbanggaan ang dalawang trak sa Tagkawayan, Quezon nitong Martes ng gabi.
Nawalan ng kontrol ang driver ng boom truck at tumama ito sa isang 10-wheeler sa pababang bahagi ng Quirino Highway. Agad namatay ang driver ng boom truck.
Bago ang banggaan, nabangga rin ng boom truck ang isang motorsiklo kung saan kritikal ang kalagayan ng driver at pasahero nito.
Nahirapan ang mga rescuer na mailabas ang driver at katulong ng 10-wheeler mula sa sasakyan.
Apat na oras bago naalis ang mga nasirang sasakyan. Patuloy ang imbestigasyon sa aksidente. RNT