MANILA, Philippines – Isang 1-anyos na batang babae ang nalunod matapos matangay ng baha habang nililikas ng kanyang pamilya sa Barangay Almanza Uno, Las Piñas City.
Natagpuan ang bata sa may ilog sa Barangay Talon 3, ngunit hindi na naisalba kahit isinugod sa ospital.
Umapaw ang ilog sa River Drive, dahilan ng malawakang pagbaha sa lungsod.
Umabot sa 12 kilometro ang trapik sa SLEX southbound mula Alabang Exit, habang lagpas 4 na kilometro naman sa Sucat Exit northbound.
Binaha rin ang ilang bahagi ng Mandaluyong, Taguig, at Pasig.
Ayon sa PAGASA, epekto ito ng patuloy na habagat na nagpapalakas ng ulan sa Metro Manila. RNT