Home LIFESTYLE HEALTH Presyo ng mga gamot, makikita na sa eGovPH app

Presyo ng mga gamot, makikita na sa eGovPH app

421
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Department of Health (DOH) na makikita na sa eGovPH app ang presyo ng mga gamot, kabilang na ang mga generic na bersyon, bilang bahagi ng Universal Health Care Law para sa abot-kayang gamot.

Pinaalalahanan ng DOH ang publiko na sundin ang reseta ng doktor at regular na inumin ang maintenance medicines.

Inilunsad noong 2023, pinagsasama ng eGovPH app ang mga serbisyo ng gobyerno sa isang platform upang mabawasan ang katiwalian sa mga transaksyon.

Maaari rin dito mag-secure ng permit, magparehistro ng SIM card, at mag-report ng online shopping scam. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here