MANILA, Philippines – Naaresto ang 14 na taxi drivers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Hulyo 8 dahil sa colorum na operasyon at paniningil ng sobra sa pasahe.
Pinangunahan ng PNP Aviation Security Group (AVSEGROUP) ang operasyon mula 1 p.m. hanggang 9:30 p.m. laban sa mga driver na lumalabag sa franchise at fare regulations.
Binigyan ang mga driver ng Temporary Operator’s Permit (TOP) mula sa Land Transportation Office (LTO) at haharap sa kaukulang parusa.
Dinala muna ang mga nahuling taxi sa AVSEGROUP HQ sa Pasay bago i-turnover sa LTO Central Office sa Quezon City.
Kasama sa operasyon ang PNP AVSEGROUP, LTO, New NAIA Infra Corp, at Manila International Airport Authority dahil sa mga ulat ng mataas na pasahe sa NAIA Complex. RNT