MANILA, Philippines – Lumabas sa bagong pag-aaral, ang pagtaas ng temperatura dahil sa climate change ay nagkaroon ng malaki ang epekto sa pagbaba ng produksyon ng gatas sa buong mundo, kahit sa mga high-tech na sakahan na may cooling systems.
Isang araw lang ng matinding init ay maaaring magbawas ng hanggang 10% sa gatas ng baka, at tumatagal ang epekto ng higit isang linggo.
Gamit ang 12 taong datos mula sa mahigit 130,000 baka sa Israel, natuklasan ng mga mananaliksik na bumababa nang malaki ang produksyon kapag lumampas sa 26°C ang “wet-bulb” temperature. Kadalasang umaabot ng higit 10 araw bago makabawi ang baka. Bahagya lang napapababa ng kasalukuyang cooling methods ang pinsala.
Kung walang mas maayos na solusyon, maaaring mawalan ng 3.5% hanggang 4% na gatas kada araw ang mga pangunahing producer gaya ng India, Pakistan, Brazil, US, at China pagsapit ng kalagitnaan ng siglo.
Nanawagan ang pag-aaral sa mga gumagawa ng patakaran na maghanap ng karagdagang paraan bukod sa cooling upang maprotektahan ang mga hayop at seguridad sa pagkain. RNT