Home METRO Beauty salon na iligal na nagrerecruit, pinadlak ng DMW

Beauty salon na iligal na nagrerecruit, pinadlak ng DMW

230
0

MANILA, Philippines – Isinara ng Department of Migrant Workers (DMW) noong Miyerkules ang isang illegal recruitment agency na nakarehistro bilang beauty salon at training center sa Imus, Cavite.

Pinangunahan ni DMW Assistant Secretary Jerome Alcantara ang pagsasara ng VMJ Beauty Salon at ng Jef & Eds Learning Center sa pakikipag-ugnayan sa pamahalaang lungsod at sa Imus Police Station.

Inilunsad ang pagpapasara matapos makatanggap ang DMW Migrant Workers Protection Bureau (MWPB) ng request mula sa National Bureau of Investigation (NBI) Cavite North District para imbestigahan ang dalawang establisimyento base sa reklamo ng illegal recruitment.

Nagsagawa ang MWPB ng tatlong surveillance operations noong Hunyo 5, 11 at Hulyo 1.

Naabutan ang isang beautician sa salon habang ang caretaker ay may kasamang tatlong aplikante sa tinatawag na learning center na umano’y nagsisilbing accommodation para sa mga recruits.

Mahaharap ang dalawang establisyemento sa kasong paglabag sa RA 8042 o ang Migrant Workers and Overseas Filipinos Act.

Irerekomenda rin ng DMW ang kanselasyon ng kanilang business registration certificates sa local government at Department of Trade and Industry.

Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here