MANILA, Philippines – Ipinahayag ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan ang kahandaang makipagtulungan sa lahat ng partido upang solusyonan ang mataas na presyo ng pagkain at gutom, kasabay ng mga haka-haka na siya at si Senador Bam Aquino ay sasali sa majority bloc ng Senado.
Binigyang-diin niya ang kanyang paninindigan at serbisyo publiko, at sinabing, “Walang kulay ang gutom.”
“I’ve read reports, read posts on social media for and against, and I’ve been told of rumblings regarding political alignments. Critics say I will be ‘selling out to the enemy’ should I pursue a certain path. They are free to say what they wish,” ani Pangilinan sa isang Facebook post.
“I did publicly express a willingness to work with all parties along principled boundaries to bring down high food prices and hunger. I know who I am, I know what I stand for. My political track record is an open book,” dagdag pa niya.
Patuloy ang pag-uusap nina Pangilinan at Senador Risa Hontiveros, na nag-endorso sa kanila noong 2025, tungkol sa mga plano sa pagsisimula ng 20th Congress.
Muling tiniyak ni Pangilinan ang kanilang pagtutok sa pagbaba ng presyo ng pagkain at pagtulong sa mga magsasaka at mangingisda, anuman ang political alignment.
Hindi naman nagdamdam si Hontiveros sa posibleng paglipat nila sa majority at nananatili siyang independent senator upang palakasin ang oposisyon sa loob at labas ng Senado.
“Hindi ako nahu-hurt dahil, ‘yun na nga eh, sabi ko nga, basta patuloy akong maninindigan,” ani Hontiveros sa isang ulat.
“Kung ang bawat isa sa amin ay may sariling diskarte, ako rin naman po, basta nakatutok pa rin ako do’n sa layunin na palakasin ‘yung oposisyon, hindi lang sa loob, pati sa labas ng Senado,” aniya pa.
Binanggit din niya ang posibilidad ng pagbuo ng independent bloc bilang mas realistiko. RNT