Binabantayan ng PAGASA ang tatlong low pressure areas (LPA) sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ang isang LPA sa loob ng PAR na matatagpuan 790 km hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes, ay mababa ang tsansang maging tropical cyclone sa loob ng 24 oras.
Ang isa pang LPA sa labas ng PAR, na labi ng tropical cyclone Bising, ay may katamtamang posibilidad at huling nakita 475 km hilagang-kanluran ng Itbayat.
Ang pangatlo ay malabong maging tropical cyclone at nasa 2,070 km silangan ng Hilagang Luzon.
Patuloy na magdadala ng ulan ang habagat sa maraming bahagi ng bansa, may panandaliang ulan sa Metro Manila at kalapit lugar, at kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm sa Luzon, Visayas, at Mindanao.
Nagbabala ang PAGASA ng posibleng pagbaha at landslide sa mga mabababang lugar. Santi Celario