Home METRO 1 tigok kay bagyong Bising, habagat – NDRRMC

1 tigok kay bagyong Bising, habagat – NDRRMC

242
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang isang pagkamatay sa Metro Manila dahil sa Tropical Cyclone Bising at Southwest Monsoon (Habagat).

Isang isang taong gulang na bata ang nalunod habang nililikas sa Las Piñas at namatay sa ospital.

Mahigit 103,000 tao mula Ilocos Region, Central Luzon, Cordillera, at Metro Manila ang naapektuhan.

Patuloy ang pagbaha sa 35 lugar, may mga landslide at pagbagsak ng debris.

Nasira ang 16 bahay at may isang kalsadang hindi madaanan. Sinuspinde ang klase at trabaho sa ilang lugar.

Mula Hulyo 4, paulit-ulit na pumasok at lumabas si Bising sa Philippine Area of Responsibility, mula bagyo hanggang severe tropical storm. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here