Home METRO Mister naaksidente sa pagtangay ng motor, arestado

Mister naaksidente sa pagtangay ng motor, arestado

1
0

SAN AGUSTIN, Isabela – Sadyang napakabilis ng karma matapos maaksidente ang isang mister nang tangayin nito ang ninakaw na motorsiklo sa bayan ng Echague dito sa nasabing lalawigan.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Felipe,” residente ng Echague, na inaresto ng mga awtoridad matapos ang beripikasyon.

Naiulat na nawawala ang isang pula at itim na Suzuki Raider 150 na nakaparada sa harap ng isang billiard hall sa Barangay Pangal Norte, Echague.

Agad na ipinagbigay-alam ng Echague Municipal Police Station sa mga karatig-himpilan ang insidente upang matunton ang motorsiklo at ang lalaking hinihinalang tumangay nito.

Hindi nagtagal, nakatanggap ng ulat ang pulisya mula sa San Agustin na may motorsiklong tumutugma sa deskripsiyon ng nawawalang sasakyan na nasangkot sa isang aksidente sa National Highway sa Barangay Masaya Sur.

Kinumpirma ng may-ari na ang motorsiklong naaksidente ay ang kanyang nawawalang sasakyan.

Dahil sa mga pinsalang natamo sa aksidente, dinala ang suspek sa Southern Isabela Medical Center para sa agarang lunas.

Ngunit nakatakdang sampahan ng kaso ang suspek habang nasa hospital na ginagamot dahil sa tinamong sugat. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here