TULOY-TULOY sa pag-iikot ang mga tauhan ng Malabon City Disaster Risk Reduction Management Office at PSTMO-MCAT sa iba’t ibang bahagi ng lungsod upang magbigay ng Libreng Sakay para sa mga pasaherong maaaring ma-stranded o nahihirapang makasakay dahil sa patuloy na pagbaha, dulot ng malakas na pag-ulan, high tide at pagkukumpuni ng nasirang navigational gate sa Navotas.
Dahil sa hirap ng araw-araw na pagharap sa baha, kung kaya’t walang tigil din sa pagbibigay ng serbisyo ng mga tauhan ng Malabon City Hall. JOJO RABULAN