MAKATI, Philippines – Patay ang isang lalaki habang sugatan ang dalawa nitong kaibigan matapos silang pagbabarilin ng dalawang nakamotorsiklong lalaki sa Barangay Pio Del Pilar, Makati City noong Huwebes ng madaling araw, Hulyo 10.
Ayon sa Makati City Police, ang 25-anyos na nasawi ay inimbitahan ng kanyang mga barkada para sa isang inuman nang bigla silang lapitan ng mga suspek at pinagbabaril ang grupo. Tinamaan sa ulo ang biktima na agad nitong ikinamatay.
Tinamaan din ang isa niyang kaibigan sa magkabilang hita, habang ang isa naman ay nagtamo ng tama ng bala sa braso. Pareho na silang nasa stable na kondisyon.
Sinabi ng mga saksi na tumakas ang mga suspek patungo sa direksyong pahilaga matapos ang kanilang pananakit.
Sinabi ng pulisya na posibleng alam ng nasawi ang pagkakakilanlan ng mga bumaril.
Patuloy pa rin ang karagdagang imbestigasyon sa insidente. RNT/MND