Home METRO 2 tulak tiklo sa magkasunod na operasyon sa Quezon

2 tulak tiklo sa magkasunod na operasyon sa Quezon

287
0

QUEZON, Philippines – Dalawang hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na droga at kabilang sa high value individual ang naaresto, makaraang makumpiskahan ang mga ito ng may street value na humigit kumulang sa 1.9 M, bukod dito nakumpiskahan din ng baril at bala ang isa sa mga ito, sa magkasunod at magkahiwalay na buy-bust operation kahapon sa lungsod ng Lucena, Quezon.

Ang naunang naarestong suspek na nakilala sa alyas Nelson 50, may-asawa, at residente ng Barangay Mamala 2 , Sariaya, Quezon, kasunod na nadakip si alyas Arthur, na kapwa kabilang sa High Value Individual sa listahan ng pulisya .

Batay sa report kay PBGen. Jack L. Wanky Regional Director ng PRO4 Calabarzon, kung saan  dakong alas-4:49 ng hapon nang magsagawa ng unang malawakang buy-bust operation ang pinagsanib na puwersa ng Quezon Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), na humantong sa pag-aresto sa suspek na si alyas Nelson.

Nakumpiska sa suspek na si alyas Nelson ang 65 gramo ng hinihinalang Shabu na tinatayang may standard price na Php 442,000.00 at street value na Php 1.3 Million.

Samantalang, kasunod na inaresto ang suspek na si Arthur nang dakong alas-10:33 kagabi matapos na magsagawa ng buy-bust operation sa Purok Narra Barangay Isabang Lucena City kung saan nakuhanan ng hinihinalang Shabu ang suspek nang humigit kumulang sa 31 gramo na may standard price na Php 210,800.00  at street value na 632,000 narekober din ang isang caliber 45 na naglalaman ng mga bala .

Pinuri ni PBGen Jack L. Wanky, Regional Director ng PRO4 Calabarzon ang pinagsanib na puwersa ng mga operatiba ng Quezon PPO sa matagumpay na buy-bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang malaking personalidad sa ilegal na droga sa lungsod ng Lucena, Quezon.

“Isa na namang malaking tagumpay para sa ating mga operatiba sa lungsod ng Lucena sa Quezon. Ipinapakita lamang nito na walang humpay ang kanilang pagsisikap upang tuluyang matigil ang pagkalat ng ilegal na droga sa lalawigan.” Ani PBGen Wanky. /Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here