Home LIFESTYLE HEALTH 500 HIV cases, binabantayan sa NegOr; 3 kaso wala pang 15-anyos

500 HIV cases, binabantayan sa NegOr; 3 kaso wala pang 15-anyos

237
0

DUMAGUETE CITY – Nakapagtala ng higit sa 500 kaso ng HIV na patuloy na mino-monitor ng Provincial Health Office (PHO) sa Negros Oriental.

Ayon kay Dr. Liland Estacion, PHO chief, mula 2017 ay may kabuuang 636 kaso na ng HIV ang naitala, ngunit 530 lamang sa kanila ang regular na nagpapagamot.

Pinakamarami sa mga kaso ay nasa edad 25-34 (263 katao), sinundan ng edad 35-54 (170), at edad 15-24 (59).

Tatlo sa mga pasyente ay bata pa na wala pang 15 taong gulang.

Nanawagan si Estacion sa publiko na magpa-test kung may alinlangan at tiniyak niyang libre at kumpidensyal ang serbisyo.

Nais din ng PHO na maglunsad ng drive-through HIV testing sa lalawigan. /Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here