Home NATIONWIDE 15,000 reklamo vs abusadong online lending apps, naitala ng PAOCC

15,000 reklamo vs abusadong online lending apps, naitala ng PAOCC

251
0

MANILA, Philippines – Umabot na sa 15,000 ang reklamo laban sa mga mapang-abusong online lending apps na natanggap ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), ayon kay Executive Director Usec. Gilbert Cruz.

Sa isang public briefing, ibinunyag ni Cruz na maraming biktima ang nakararanas ng matinding harassment, pananakot, at mental distress kapag hindi nakabayad sa utang. “Karamihan sa kanila, tinatakot, pinapahiya, at inaabuso gamit ang kanilang personal na impormasyon,” ani Cruz.

Maraming apps umano ang ginagamit ang access sa photos, contacts, at social media ng mga borrower para manakot. May ilang biktima ang nagbitiw sa trabaho at nagkasakit sa pag-iisip dahil sa matinding pressure.

Dagdag ni Cruz, may mga lending apps pa na nagpapadala ng bastos at mapanirang mensahe sa mga katrabaho at kamag-anak ng biktima.

Bilang tugon, naglunsad ng one-stop shop ang PAOCC na nagbibigay ng libreng legal na tulong, suporta mula sa DOJ, at assistance sa pagkain at transportasyon.

Hinikayat ni Cruz ang publiko na mag-double check muna sa mga ahensyang tulad ng DICT, bangko, o PAOCC bago pumatol sa kahit anong online lending platform. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here