Dalawampu’t isang kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P2,520,000.00 at dalawang drug personalities ang arestado sa buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency-CAR Baguio/Benguet at Mt. Province Provincial Office sa Burnham-Legarda, Baguio City nitong Hulyo 11, 2025.

Nahulihan ang mga suspek ng 20 piraso ng pinatuyong marijuana brick at isang pahabang anyo matapos makipagtransaksyon sa isang undercover agent.








