Home METRO Lanao del Sur nakatanggap ng 41 ambulance mula sa DOH

Lanao del Sur nakatanggap ng 41 ambulance mula sa DOH

244
0

LANAO del Sur, Philippines – Nasa 41 na Department of Health ambulance na may advanced life support equipment ang ipinamahagi ng ahensya sa Lanao Del Sur.

Pinangunahan ito ni Health Secretary Ted Herbosa alinsunod na rin sa kautosan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na pagibayuhin ang pagbibigay ng mga makabagong kagamitan at teknolohiyang pangkalusugan para sa mga pasyente sa malalayong lugar.

Kalakip ng mabilis na paghahatid ng mga pasyente sa ospital, importanteng makabago rin at nasa maayos na kondisyon ang mga ambulansyang lulan ang pasyente sa kritikal na oras ng emergency.

Ipapamahagi ang mga ambulansya sa 31 munisipalidad ng Lanao del Sur, sa Marawi City at sa probinsya

Pinangunahan din ni Sec. Herbosa ang pagbisita sa DOH-Amai Pakpak Medical Center (DOH-APMC) na isang DOH hospital na nagsisilbing parehong heart institute at lung center sa rehiyon.

Kinilala ng kalihim  ang dedikasyon ng mga health care workers at ang patuloy nilang pagsisikap na gawing makabago at mapagkalinga ang serbisyo sa ospital.

Layon ng DOH na maihatid ang mabilis, ligtas, at dekalidad na serbisyong pangkalusugan sa mga Pilipino—alinsunod sa mga pangunahing prayoridad ng Pangulo. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here