Home METRO P.7-M tobats nakumpiska sa arestadong tulak

P.7-M tobats nakumpiska sa arestadong tulak

150
0

NAVOTAS, Philippines – Nakumpiska ang halos P700,000 halaga ng shabu matapos maaresto ang isang lalaking tulak sa naganap na buy bust operation ng pulisya sa Navotas City, kahapon Hulyo 11.

Sa ulat ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Arnold Abad, kinilala ni Navotas Police OIC chief P/Col. Renante Pinuela ang naarestong suspek na si alyas “Clarence”, 22, ng Brgy. Tangos South.

Ayon kay Col. Pinuela, dakong alas-2:25 ng madaling araw nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang suspek sa C3 Road, Brgy., NBBS Proper.

Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 100.1 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P680,680.00 at buy bust money na binubuo ng isang tunay na P500 bill at 27 pirasong P1,000 boodle money.

Nauna rito, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng SDEU hinggil sa umano’y pagbebenta ng shabu ni alyas Clarence na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) kaya ikinasa nila ang buy bust operation sa koordinasyon sa PDEA na dahilan ng kanyang pagkakaaresto.

Nakatakdang sampahan ng pulisya ang suspek ng kasong paglabag sa Sections 5 at 11, under Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Navotas City Prosecutor’s Office. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here