Home METRO Government employee tigok, angkas sugatan sa banggaan ng truck at motorsiklo

Government employee tigok, angkas sugatan sa banggaan ng truck at motorsiklo

279
0

BATANGAS, Philippines – Isang 24 anyos na government employee ang dead on arrival sa pagamutan, samantalang sugatan ang kasama nitong babae makaraang aksidenteng magbanggaan ang isang Izusu Fuel Tanker truck at motorsiklo kagabi sa kahabaan ng diversion road ng Barangay Balagtas Batangas, City. 

kinilala ang biktimang nasawi na si John Wayne Diel Macaraig Alog 24, binata,  samantalang pansamantalang nilalapatan ng lunas sa Batangas Medical Center  ang angkas nitong si Mary Mae De Castro Concepcion 24, kapwa government employee at naninirahan sa Barangay Bucal Batangas City .

Base sa inisyal na pagsisiyasat ng Batangas City Police Station sa pinangyarihan ng insidente, dakong alas- 7:00 kagabi habang kapwa binabagtas ang diversion road ( opposite direction ) ng Isuzu Fuel Tanker na minamaneho ni Rogelio Calla Remualdo Jr. 44, tubong Aglipay, Isabela, residente ng Barangay Malamig Bustpos Bulacan at  Honda click 125 Motorcycle na minamaneho ng nasawi.

Napag-alaman na ang minamanehong motorsiklo ng biktima ay napunta sa linya ng kinaroroonan ng umano ng Isuzu Fuel Tanker kung saan hindi na umano nagawang iwasan ng Fuel Tanker Truck ang mga biktima kaya  humantong sa aksidenteng  magbanggaan ang mga ito. /Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here