Home NATIONWIDE PH Navy nagsagawa ng siren salute sa ika-9 anibersaryo ng WPS arbitral...

PH Navy nagsagawa ng siren salute sa ika-9 anibersaryo ng WPS arbitral ruling

224
0

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng “siren salute” o sabayang pagpapatunog ng sirena ang mga asset ng Philippine Navy sa buong bansa bilang paggunita sa ika-9 na anibersaryo ng 2016 arbitral award sa South China Sea pabor sa Pilipinas.

Ang siren salute ay isang naval tradition na sumisimbolo sa pagkakaisa, tribute, at pagpapatuloy na nagpapaalala sa commitment ng mga coastal community para depensahan ang mga dagat ng bansa at ipanindigan ang maritime heritage.

“The symbolic act also echoes the Navy’s resolve to defend what is rightfully Filipino, as enshrined in the 2016 Arbitral Award and the 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS),” saad sa pahayag.

Kung matatandaan, nanalo ang Pilipinas noong 2016 sa landmark arbitration case na nagbasura sa claim ng China at pagtibayin ang exclusive economic zone sa South China Sea ng Pilipinas.

“Guided by the Arbitral Award, the Philippine Navy continues to strengthen its capabilities, sharpen its maritime posture, and deepen cooperation with like-minded nations that respect international law,” ayon pa sa Philippine Navy. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here