MANILA, Philippines – Patuloy na minomonitor ng PAGASA ang tropical storm sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang tropical storm sa layong 2,050 kilometro silangan hilagang silangan ng Extreme Northern Luzon taglay ang lakas ng hangin na 65 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 80 kilometro kada oras.
Kasalukuyan itong kumikilos sa direksyong east-southeastward sa bilis na 10 kilometro kada oras.
Samantala, patuloy na magdadala ng mga pag-ulan ang Southwest Monsoon, o habagat, sa malaking bahagi ng bansa. RNT/JGC