Home ENTERTAINMENT First movie ni Andres, may teaser na!

First movie ni Andres, may teaser na!

326
0

Manila, Philippines – What do Aga Muhlach’s and his son Andres’ very first movies have in common?

Taong 1993 nang i-release ang pelikulang May Minamahal.

Tampok dito sina Aga at Aiko Melendez.

Meron ding salitang “minamahal” sa unang movie ni Andres Muhlach, anak nina Aga at Charlene Gonzales.

Minamahal: 100 Bulaklak Para Kay Luna.

Tampok dito ang loveteam na AshDres which stands for Ashtine Olviga at Andres.

At take note, hindi pa man sinisimulan ni direk Jason Paul Laxamana ang shooting ay may playdate na ito!

Released na nga ang teaser ng pelikula na may playdate na last Tuesday sa September.

Para ngang itinadhana na magkatunog halos ang pamagat ng pelikula ng ama at ng anak.

The only difference is that dito bibinyagan si Andres kaya understandable kung pressured

ang pakiramdam niya sa taas ng expectations ng publiko.

Puwera rito siyempre na ang ama ni Andres ay isa sa mga mahuhusay na aktor sa bansa.

Gayunpaman, umaasa si Andres na mahigit sa “pasang-awa” ang magiging grado sa kanya ng mga manonood.

Obyus na love story ang nasabing AshDres movie, kung kayat naitanong si Andres kung anong kuwentong pag-ibig ang gusto niya.

Ani Andres: “Kung sa Philippines, it’s the love story of my parents!”

As regards his first ever movie, huhusgahan si Andres kung may binatbat siya sa ama!

Place your bet! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here