Home NATIONWIDE Operasyon ng Mactan-Cebu airport, balik-normal na

Operasyon ng Mactan-Cebu airport, balik-normal na

279
0

MANILA, Philippines – Balik na ang operasyon ng mga flight sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA) matapos itong makaranas ng runway issues.

“We wish to inform the public that flight operations have now resumed using MCIA’s second runway, while immediate repair works on the primary runway continue,” saad sa abiso ng MCIA Authority.

Hindi naman agad na nakapagbigay ng bilang ng mga apektadong flight ang Aboitiz InfraCapital, operator ng MCIA.

Sa kabila nito, iniulat naman ng flag carrier na Philippine Airlines na nakansela ang mga sumusunod na flight nitong Sabado, Hulyo 12 dahil sa pansamantalang pagsasara ng runway:

PR 2365/2366 Cebu-Davao-Cebu

PR 2238/2239 Cebu-Tacloban-Cebu

PR 2388/2389 Cebu-Iloilo-Cebu

Article continues after this advertisement

PR 2995/2996 Cebu-Zamboanga-Cebu

PR 2313/2314 Cebu-Cagayan de Oro-Cebu

PR 2315/2316 Cebu-Cagayan de Oro-Cebu

PR 2382/2383 Cebu-Siargao-Cebu

PR 2335/2336 Cebu-Butuan-Cebu

PR 2375 Siargao-Cebu

PR 2850 Cebu-Manila

PR 2681 Busuanga (Coron)-Cebu

PR 2867/2868 Manila-Cebu-Manila

PR 2861/2862 Manila-Cebu-Manila

PR 2854 Cebu-Manila

PR 2863/2864 Manila-Cebu-Manila

PR 2880 Cebu-Manila

PR 2853 Manila-Cebu

PR 2358 General Santos-Cebu

Hindi naman sinabi ng low-cost carrier Cebu Pacifi kung gaano karami ang mga flight na nakansela sa kanilang hanay ngunit inabisuhan ang mga pasahero na “not proceed to the airport until their flights have been confirmed.”

Nitong Sabado, sinabi ng airport operator sa abiso na nagsasagawa na ng inspeksyon at kinakailangang repair ang kanilang team sa mabilis at ligtas na paraan.

“Passenger safety is our top priority, and we are working closely with airlines to minimize disruption. We apologize for the inconvenience, and we thank all travelers for their patience.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here