Home HOME BANNER STORY 11 nasagip na Magic Seas crew members dumating na sa bansa –...

11 nasagip na Magic Seas crew members dumating na sa bansa – DMW

273
0

MANILA, Philippines – Dumating na sa bansa ang nalalabing 11 sa 17 Filipino crew members ng barkong MV Magic Seas na inatake ng mga rebeldeng Houthi sa Red Sea.

Ayon kay DMW Undersecretary Bernard Olalia, ang 11 dumating na crew members “will complete the 17 rescued Filipino seafarers.”

Nitong Biyernes ng gabi, Hulyo 11, nakabalik na sa bansa ang unang anim na Filipino na crew ng MV Magic Seas.

Ang chief officer, 2nd officer, at 3rd officer ng barko ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, habang ang nalalabi ay lumapag sa Clark International Airport.

Samantala, ang 11 nalalabing seafarers ay dumating naman sa NAIA.

Ayon sa opisyal, ang mga dumating na seafarer ay makatatanggap ng tulong mula sa pamahalaan.

Ang unang anim na seafarer na bumalik sa bansa ay nakatanggap ng tig-P75,000 financial assistance mula sa AKSYON Fund ng DMW at Emergency Repatriation Fund ng OWWA, at tig-P10,000 mula sa Department of Social Welfare and Development.

Binigyan din ang mga ito ng hotel accommodation at transportation assistance upang masiguro na makakabalik sila nang maayos sa kanilang mga pamilya at komunidad.

Nauna nang iniulat ng DMW na ang mga Filipino seafarer, kasama ang dalawa iba pang crew member, ay nakatakas sa Liberian-flagged vessel na sinasakyan nila, na inatake ng Houthi rebels.

Ang Magic Seas ay nasa 51 nautical miles timog kanluran ng Hodeidah, Yemen, na atakehin ito ng mga lalaki na may dalang rocket-propelled grenades at automatic firearms. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here