Home HOME BANNER STORY Patidongan maghahain ng counter charges vs Atong Ang

Patidongan maghahain ng counter charges vs Atong Ang

253
0

MANILA, Philippines – Nangako ang whistleblower sa pagkawala ng mga sabungero na maghahain ito ng counter charges laban sa businessman na si Atong Ang na tinukoy bilang mastermind sa kaso.

“Sa Monday nga sasagutin ko ‘yung ano [allegations] ni Mr. Atong Ang and then mag-file din ako against sa kanya… ‘Yung mga kinaso niya sa akin babaliktarin ko rin against sa kanya,” sinabi ni Julie “Dondon” Patidongan, alyas Totoy.

Matatandaan na inireklamo ni Ang si Patidongan sa Mandaluyong City Prosecutor’s Office ng conspiracy to commit attempted robbery with violence against or intimidation of persons, grave threats, grave coercion, slander, and incriminating against innocent persons.

Itinuro kasi ni Patidongan, isa sa mga akusado sa kaso ng nawawalang mga sabungero, si Ang at aktres na si Gretchen Barretto sa pagkawala ng 34 sabungeros mula 2021 hanggang 2022.

Itinanggi naman nina Ang at Barreto ang alegasyong ito.

Bilang tugon, sinabi rin ni Ang na sinubukan siyang kikilan ni Patidongan ng P300 milyon.

Ayon sa pulisya, ang mga nawawalang personalidad ay dinukot sa umano’y match fixing o pandaraya sa sabong.

Nitong Sabado, Hulyo 11, sinabi ni Patidongan sa panayam sa radyo na maghahain siya ng complaint affidavit sa National Police Commission (Napolcom) laban sa mga pulis na sangkot umano sa pagkawala ng mga sabungero.

“Sa Lunes, pupunta ako ng Napolcom… ‘Yung mga pulis na nabanggit ko ay kakasuhan ko na sa Napolcom,” ani Patidongan.

Nasa kabuuang 15 pulis ang inilagay sa ilalim ng restrictive custody sa Camp Crame, Quezon City sa umano’y kaugnayan ng mga ito.

Nagsagawa naman ng imbestigasyon ang Napolcom kaugnay nito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here