Home NATIONWIDE Alert Level 3 nananatili sa Kanlaon

Alert Level 3 nananatili sa Kanlaon

256
0

MANILA, Philippines – Nakataas sa alert level 3 ang paligid ng bulkang Kanlaon matapos maitala ang apat na pagyanig sa paligid ng bulkan nitong Sabado, Hulyo 12 2025.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), bukod sa pagyanig naitala rin ang pagbuga ng usok sa bunganga ng bulkan na may taas na 300 metro.

Sinabi pa ng Phivolcs na namataan din ang pamamaga ng bulkan dahil sa patuloy na pag-aalboroto nito.

Kaugnay nito, inirekomenda din ng Phivolcs ang paglikas sa mga residente na naninirahan sa loob ng 6-kilometer radius mula sa tuktok ng bulkan.

Samantala, ipinagbabawal din ng ahensya ang pagpapalipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan dahil sa banta ng pagsabog ng bulkan.

Bunsod nito, pinaalalahanan din ng Phivolcs ang publiko na maaaring maganap ang mga sumusunod: pagsabog ng bulkan, pagbuga ng lava, pag-ulan ng abo, pagguho ng bato, at pagdaloy ng lahar kung may malakas na pag-ulan. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here