Hindi na sampu uli kundi balik walong muli ang bilang ng mga kalahok sa Metro Manila Film Festival sa taong ito.
Ayon sa MMDA, may kinalaman ito sa distribution of films na nagdudulot ng problema.
At sa kauna-unahang pagkakataon, ang Makati City naman ang nakatoka sa buong Metro Manila.
Gaya ng napaulat, inilabas na nga ang unang apat sa walong official entries ng taunang MMFF.
Sa September nakatakdang ianunsyo ang next batch of four films.
Sa December 19 naman nakatakda ang parada kung saan irarampa ng lahat ng MMFF entries ang kanilang float na siyempre pa’y sakay ang mga pangunahing bida ng pelikula.
Target ng MMDA sa taong ito na maka-P900 million in gross box office receipts.
Kung matatandaan, hindi na-duplicate ng MMFF 2024 ang bilyong kinita ng festival noong 2023. Ronnie Carrasco III