Home METRO Libu-libong mananampalataya dumalo sa unang Angelus prayer ni Pope Leo

Libu-libong mananampalataya dumalo sa unang Angelus prayer ni Pope Leo

253
0

ITALY — Libu-libong tao ang dumalo sa isang maliit na nayon sa tuktok ng burol ng Italy na hindi kalayuan sa Roma nitong Linggo, upang pakinggan si Pope Leo na naghahatid ng kanyang unang Angelus prayer mula sa kanyang summer residence sa Castel Gandolfo.

“I am happy to be among you… and thank you all for your warm welcome,” ipinahayag ng Papa, na nakatayo sa labas ng pintuan ng Apostolic Palace, na nasa gilid ng dalawang Swiss Guard.

Noong Hulyo 6, si Leo ay nagpahinga ng dalawang linggo sa Castel Gandolfo, mga 20 kilometro sa timog-silangan ng Roma.

Hindi napigilan ng maulan na panahon ang libu-libong deboto na nagsisiksikan sa kalsada ng nayon upang makita ang bagong papa habang siya ay naghahatid sa unang pagkakataon ng panalanging Angelus, na karaniwang inihahatid ng mga papa tuwing Linggo.

Pinangunahan ng papa ang misa sa Church of Saint Thomas of Villanova.

“Let us not forget to pray for peace and for all those who find themselves in suffering and need because of war,” aniya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here