Home METRO Presyo ng tawilis “all time low” sa gitna ng Taal search

Presyo ng tawilis “all time low” sa gitna ng Taal search

272
0

MANILA, Philippines — Binatikos ng isang grupo ng mangingisda nitong Linggo ang mababang presyo ng “tawilis” (Sardinella tawilis), na bumaba sa P100 kada kilo mula sa karaniwang P250 kada kilo, sa gitna ng mga ulat na ang mga bangkay ng mga nawawalang sabungero ay itinapon sa Taal Lake.

Sa isang pahayag, sinabi ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) na nakatanggap ito ng mga ulat na bumaba ang presyo ng tawilis sa “all-time low” na P100 kada kilo sa ilang bayan sa lalawigan ng Cavite.

Bago ito, binanggit ng Pamalakaya na ang mga mangingisda mula sa mga bayan na nakapaligid sa Taal Lake sa lalawigan ng Batangas ay nagpahayag na ng pagkabahala hinggil sa tumitinding takot ng publiko pagdating sa pagbili ng isda sa lugar.

“We received reports that there are a lot of tawilis priced at P100 per kilo in several towns in Cavite. If the price of tawilis in the market is that low, the farm-gate price will surely fall even more for Taal fishermen, causing them to suffer losses,” saad ni Pamalakaya national chair Fernando Hicap.

Sinabi ni Hicap na nananatiling apektado ang presyo ng tawilis sa mga ulat na may mga bangkay na itinapon sa Taal Lake sa kabila ng mga pahayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ligtas kainin ang mga isda mula sa lawa.

Nanawagan siya sa Department of Agriculture at BFAR na magbigay ng tulong sa mga apektadong mangingisda sa pamamagitan ng direktang pagbili ng mga produkto sa kanila at gayundin sa paghimok sa publiko na patuloy na suportahan ang mga mangingisda sa Taal.

“The fishers will not be able to endure this kind of losses because they have already been suffering from the effects of ‘habagat’ in the past months, in which they rarely were able to go out and fish,” ani Hicap.

Noong Biyernes, nagsimulang magsagawa ng retrieval operations ang mga technical diver mula sa Philippine Coast Guard sa Taal Lake para hanapin ang mga bangkay ng mga nawawalang sabungero, na nawala sa pagitan ng Abril 2021 hanggang Enero 2022.

Nauna nang sinabi ng isa sa mga suspek sa kaso na si Julie Patindongan, kilala rin bilang “Totoy,” sa panayam ng GMA News na pinatay ang mga nawawalang sabungero at itinapon sa lawa ang kanilang mga katawan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here