MANILA, Philippines – Tatlong indibidwal ang nasagip ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) Region 7 Special Rescue Force, habang isang bangkay naman ang iniahon mula sa Barangay Budlaan, upland Cebu City.
Ang isang indibidwal ang nakita nilang stranded sa bisinidad ng Mukpok area habang ang dalawa ay naabutan malapit sa Budlaan Waterfalls.
“Unfortunately, one casualty was also recovered during the operation,” saad sa pahayag ng BFP Region 7 Special Rescue Force.
Isinagawa ng Special Rescue Force ang high-risk rescue operation sa Budlaan Falls sa pakikipagtulungan ng BFP Cebu City EMS Team at Cebu City Disaster Risk Reduction and Management-SRS Team. RNT/JGC