Home ENTERTAINMENT Ruru, di bilib sa 7-year itch, sigurado na kay Bianca!

Ruru, di bilib sa 7-year itch, sigurado na kay Bianca!

262
0

Manila, Philippines- Kahit sino’y mapapabulalas ng: “How time flies!”

Ito ay lalo na’t kung ang pag-uusapan ay ang tungkol sa tagal o haba ng relasyong itinatakbo nina Bianca Umali at Ruru Madrid.

For the record, sa August ay pitong taon na silang magkasintahan.

Alam ng lahat na may “ominous implication” pag nadidinig ang phrase na seven-year itch.

Ito ay kung saan dumadaan sa pagsubok ang isang relasyon sa ikapitong taon nito.

But as far as Ruru is concerned, hindi raw siya naniniwala rito.

Ang mas pinaniniwalaan niya’y sigurado na siya that he’ll end up marrying Bianca.

Nag-level up na ba ang kanilang relaayon to the point na napag-uusapan na nila ang kasal?

Ani Ruru: “Basta mararamdaman ko na lang ‘yon.. if she’s the one? Hindi naman siguro kami aabot ng seven years kung hindi ako sure sa sarili ko!”

Aminado si Ruru na may mga pagkakataong he and Bianca get into misunderstandings.

Ito raw ay lalo na noong nagte-taping si Bianca for Encantadia kung saan isa ito sa mga sang’gre.

Kawalan daw ng time ang dahilan ng kanilang spats.

Dalawang taon niya kasing ginagawa ‘yung fantaserye.

“Imagine, I was doing Black Rider, nagte-taping na siya. Natapos ang Black Rider, nagte-taping pa rin siya. But we’re okay now. Nahu-hook nga ako sa palabas niya!” Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here