Home ENTERTAINMENT Ivana, may anak kay Dan?ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Ivana, may anak kay Dan?July 14, 2025 14:373070 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Naging paksa sa Showbiz Now Na si Ivana Alawi at ang umano ay anim o pitong gulang na anak nito.Ito kasi ngayon ang kumakalat na balita.Ang umano’y ama raw ng bata ay si dating Congressman Dan Fernandez.Nasa Amerika raw ang bata kung kaya’t madalas daw bumibiyahe ang sexy actress-vlogger doon para dalawin ito.Hindi naman makuhang maniwala ang SNN main host na si Cristy Fermin.In disbelief din ang dalawang co-hosts niya.Ang “pananabla” ni Ivana kay Dan bilang babaero ang dahilan kung bakit ayaw nilang paniwalaan ang kumakalat na tsismis.Idagdag pa ang katotohanang walang ina ang makakatiis na mawalay sa kanyang anak.Kilala ring prangka si Ivana, kaya kung totoo man ‘yon ay noon pa siya umamin.As for Dan, kuwento ni Cristy–sa tuwing tinatanong daw niya ito ay puro tawa lang ang isinasagot nito.Samantala, kamakailan lang ay naiulat ang pagkakahawig ng kani-kanilang closet sa magkabukod na tirahan nila.Coincidence lang kaya ‘yon?Matatandaang noon pa natsitsismis sina Ivana at Dan.This time around, may involved nang anak.Will Ivana please speak up once and for all? Ronnie Carrasco III