MANILA, Philippines – Nagpasok ng not guilty plea ang korte para kay dating Negros Oriental represnetative Arnolfo ‘Arnie’ Teves Jr sa kasong murder kaugnay sa pagpatay noong 2019.
Sinabi ng legal counsel ni Teves na si Atty. Ferdinand Topacio na mag-plea ang kanyang kliyente sa arraignment sa Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 12.
Dumalo siya sa pamamagitan ng videoconference.
Samantala, sinabi ni Topacio na ang pre-trial hearing ay itinakda sa Hulyo 29.
Hindi rin nagpasok ng plea para sa pinagsama-samang kaso ng illegal possession of firearms at illegal possession of explosives gayundin ang kanyang multiple murder case sa umano’y pagpatay kay dating Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Hindi rin nagpasok ng plea para sa kanyang terrorism financing case sa QC RTC Branch 77.
Si Teves at 12 iba pa ay itinalaga rin bilang mga terorista ng Anti-Terrorism Council na binanggit ang ilang mga umano’y pagpatay at panggigipit sa Negros Oriental. Jocelyn Tabangcura-Domenden