Manila, Philippines – Nananawagan ng tulong pinansyal ang pamilya ni Ate Gay.
Muli kasing dinala ang standup comedian sa ospital–na patuloy sa kanyang pakikipagbuno sa cancer.
Ito’y ilang araw matapos ang kanyang “living funeral” nitong nakaraan.
Since last week, nasa ICU ng Asian Hospital and Medical Center sa Muntinlupa City si Ate Gay, Gil Aducaí Morales sa tunay na buhay.
Umabot na din sa P2,435,218 plus ang hospital bills niya.
Nitong October 27, ibinahagi ng pamilya Morales sa Facebook page ang kopya ng Progress Payment Request Letter mula sa ospital, pati na ang apela ng pamilya para sa tulong.
Almost a week na daw nakaratay si Ate Gay sa ICU.
Ayon sa pamilya: “No amount is too small. Every contribution, prayer and share means so much to our family.
“We humbly ask for your kindess and prayers as we continue to hope for his recovery.
“From the bottom of our hearts, thank you for your love, generosity and support. With love and gratitude.