Home NATIONWIDE Comelec nagsagawa ng ‘trusted build’ generation para sa BARMM polls

Comelec nagsagawa ng ‘trusted build’ generation para sa BARMM polls

243
0

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng trusted build generation para sa automated election system ang Commission on Elections nitong Lunes, Hulyo 14 upang isama ang modifications sa poll system na gagamitin sa 2025 Bangsamoro election.

Ang trusted build ay isang compilation ng mga source code na gagamitin at ipoproseso ng mga automated counting machines, consolidation canvassing system at election management system.

Ipinaliwanag ni Comelec executive director Teoposto Elnas Jr, uulitin ng Comelec ang proseso para sa trusted build upang maiayon ang AES sa mga probisyon sa ilalim ng Bangsamoro Election Code.

Kabilang rito ang paglalagay ng mga larawan ng mga kandidato at logo ng lahat ng political parties na naglalaban sa puwesto sa parliamentary.

Samantala, nakatakdang simulan ng poll body ang local source code review para sa AES para sa Bangsamoro elections sa Huwebes, Hulyo 17.

Nauna nang ipinaliwanag ng Comelec na ang source codes ay nagsisilbing ‘utak’ na magtuturo sa mga ACM na isagawa ang kanilang mga tungkulin sa araw ng halalan.

Kasunod ng pagsusuri nito, ang mga tala at obserbasyon mula sa LSCR ay isusumite sa international certifying entity para sa international certification ng election system. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here