Home NATIONWIDE ‘Performance audit’ ng PCO, prayoridad ni Dave Gomez

‘Performance audit’ ng PCO, prayoridad ni Dave Gomez

201
0

MANILA, Philippines – ISINASAGAWA na ngayon ng Presidential Communications Office (PCO) ang isang “fair, honest-to-goodness, and unbiased” performance audit, ayon kay PCO acting Secretary Dave Gomez.

Sa isang media interview, inilatag din ni Gomez ang kanyang mga prayoridad para pag-ibayuhin ang government messaging, ayusin at paghusayin ang media access, at labanan ang misinformation.

Balak din ni Gomez na kausapin ng one-on-one ang mga importanteng opisyal at unit heads upang makakuha ng mas malalim na kaalaman at pagka-unawa sa operasyon at performance ng organisasyon.

“I really have to do my homework. I need to study the organization, how it works. The mandate is clear with me, but it should not be about me. It should be about the President, the President’s policies and how I can communicate it better and socialize,” ayon kay Gomez, na nanumpa sa harap mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Nangako naman si Gomez na magiging patas sa lahat sa pagsasagawa ng internal audit.

Sinabi pa niya na wala siyang itinakdang timeline para sa pagrerepaso subalit binigyang diin na ang proseso ay “really urgent.”

“I want to sit with them one-on-one, have a deep dive with them and conduct an honest-to-goodness performance review,” anito.

Winika pa ni Gomez na pinagtutuunan niya ng pansin ang ipabatid sa publiko ang mga programa at polisiya ng Pangulo, i-promote ang press freedom, at pabilisin ang digital transformation ng ahensiya.

“The priority is to communicate the programs and policies of the President, promote press freedom, and push the digital transformation of the PCO,” aniya pa rin, sabay sabing ang palawakin ang digital footprint ng ahensiya ay mahalaga para sa mas malawak na public engagement.

Sa kabilang dako, nangako rin si Gomez na paghuhusayin at aayusin ang working environment at coverage conditions para sa mga mamamahayag na nagko-cover sa Palasyo ng Malakanyang.

Hinggil naman sa disinformation, binigyang diin ni Gomez na magpapatuloy ang laban.

“Fake news is doing a lot of disservice to the Filipino people. We have to correct the misinformation and just present the facts to the people,” ang sinabi ni Gomez.

At nang tanungin kung babaguhin ba ng PCO ang communication strategy para matulungan na maging maayos ang popularidad ni Pangulong Marcos, sinabi ni Gomez na “That’s part of the things that I would have to revisit and study.”

Samantala, si Gomez ay pang-limang pinuno ng PCO sa ilalim ng administrasyong Marcos matapos sina Jay Ruiz, Cesar Chavez, Cheloy Garafil, at Trixie Cruz-Angeles. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here