Home METRO PH lumahok sa sesyon ng IMO Council sa London

PH lumahok sa sesyon ng IMO Council sa London

232
0

MANILA, Philippines – Aktibong lumahok ang Pilipinas sa ika-134 na sesyon ng International Maritime Organization (IMO) Council sa London, noong Hulyo 8-11, 2025 para sa suporta sa kaligtasan at pananatili ng klinisan sa karagatan.

Ang delegasyon ng Pilipinas na pinamunuan nina Admiral Ronnie Gil Gavan (Philippine Coast Guard) at Ms. Nenita Atienza (MARINA), kasama ang mga opisyal ng Embahada, ay tinalakay ang maritime safety, environmental protection, financial sustainability at capability building na muling pinagtibay ang suporta sa layunin ng IMO sa kaligtasan sa dagat, pangangalaga at sustainable shipping.

Nakakuha rin ng pagkilala ang Pilipinas dahil sa katapangan ng BRP Melchora Aquino at ng mga Pilipinong tripulante ng Galaxy Leader.

Nag-host din ang Pilipinas ng isang pagtanggap, na pinangunahan ni Ambassador Teodoro Locsin Jr., bilang suporta sa muling halalan sa IMO Council (Category C, 2026-2027).

Muli nitong ipinakita ang patuloy na pamumuno ng Pilipinas sa pandaigdigang gawain sa maritime. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here