Home NATIONWIDE Mga kagamitang karga ng barkong namataan sa Bajo de Masinloc iniimbestigahan ng...

Mga kagamitang karga ng barkong namataan sa Bajo de Masinloc iniimbestigahan ng PCG

4
0

MANILA, Philippines – ‎Iniimbestigahan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kakayahan at layunin ng hindi pa nakikilalang kagamitan na lulan ng isang barkong namataan sa loob ng lagoon ng Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea noong Oktubre 3.
‎
‎Ayon sa PCG, kulay asul at puti ang barko na humihila ng mas maliit na speedboat at may dalang kulay kahel na bagay na hugis bangka na walang bintana sa likurang bahagi ng deck. May mga sensor at antenna ang naturang bagay.
‎
‎Sinisilip ng PCG kung ito ay submersible o kagamitang para sa underwater operations.
‎
‎Ayon kay PCG spokesperson, dati nang gumamit ang China ng remotely operated vehicles para magsagawa ng pananaliksik sa ilalim ng dagat.
‎
‎Nakaranas din ng ilang radio challenges ang PCG aircraft habang nagsasagawa ng maritime domain awareness flight.

Narinig din ang palitan ng radio communications sa pagitan ng Chinese forces at ng sasakyang panghimpapawid ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nagpapatrolya malapit sa Bajo de Masinloc.
‎
‎Bukod sa barko sa loob ng lagoon, namataan din ng PCG ang limang Chinese maritime militia vessels, tatlong China Coast Guard ships, at isang People’s Liberation Army Navy warship sa lugar. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here