MANILA, Philippines – Pinalaya na ng Manila Police District (MPD) ang walong aktibistang inaresto sa isang protesta kasabay ng ASEAN Summit noong Nobyembre 15, ayon sa Kilusang Mayo Uno (KMU) nitong Biyernes.
Sa advisory, sinabi ng KMU na, “All 8 activists detained at the Manila Police District are now free,”
Gayunman, nananatili umanong nakadetine ang isang batang aktibista sa Manila Youth Rehabilitation Center.
Nauna nang kinondena ng KMU ang umano’y marahas na dispersal sa mga raliyistang nagtangkang magmartsa mula Liwasang Bonifacio sa Maynila patungo sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City, kung saan idinaos ang mga pagpupulong ng ASEAN.
Ilang iba pang raliyista rin umano ang nasugatan sa insidente. RNT/MDS