Home ENTERTAINMENT Dina, may hanash sa mga retokada!

Dina, may hanash sa mga retokada!

264
0

Manila, Philippines – Ipinagmamalaki ni Dina Bonnevie na noong panahon nila nina Maricel Soriano at Snooky Serna ay hindi uso ang pagpaparetoke ng mukha unlike ngayon.

Napapansin kasi ni Dina na ‘yung mga batang artista ay magkakamukha.

Kaya tanong niya sa kanyang sarili: “lisa lang ba ang makeup artist nila…o iisang doktor?”

Paano nga kasi’y magkakahawig ang cheekbones, ang ilong at chin augmentation.

Honest naman si Dina sa tinuran niyang ‘yon.

Ang maganda sa aktres–gaya ng alam ng marami–pinaninindigan niya ang kanyang sinabi.

‘Yun nga lang, nagre-react lang siya pag in-attribute sa kanya ang statement, this time involving particular persons.

Tulad na lang ng viral meme nina Jane de Leon at Alexa Miro.

Pinalalabas kasing she was quoted to have mentioned Jane’s and Alexa’s names.

“Please…you’re putting words into my mouth! I didn’t name names!” giit ni Dina.

Samantala, naikuwento ng aktres na noong nag-reunion daw ang pamilya Bonnevie ay sumama ang kanyang manugang na si Kristine Hermosa.

Si Kristine ay asawa ng kanyang anak na si Oyo Boy Sotto.

“Oh, she’s so beautiful. Introduce us to her!” sabay-sabay na reaksyon daw ng mga pinsan ni Dina.

Palibhasa’y hindi naman showbiz, gandang-ganda raw ang mga ito kay Tin.

Take note, minus the cosmetic procedure! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here