MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Presidential Communications Office Secretary Dave Gomez ang napaulat na hiniling niya sa lahat ng political appointees sa departamento na magsumite ng kanilang courtesy resignations.
“I confirm that. It’s part of the standard transition process to request the courtesy resignations of all political appointees,” ayon kay Gomez.
Nauna rito, sinabi ni Gomez na magpapatupad siya performance audit sa lahat ng opisyal at pinuno ng mga tanggapan ng ahensya.
Ayon kay Gomez, layunin ng audit na maging patas sa sa naging trabaho ng mga naunang opisyal bago siya naitalaga.
Sinimulan na rin umano niya ang pakikipagpulong sa mga department heads at opisyal ng PCO upang magkaroon ng mas malalim na pag-unawa sa operasyon ng bawat tanggapan.
Wala namang itinakdang timeframe si Gomez kung kailan matatapos ang assessment. /Kris Jose