MANILA, Philippines – Pormal nang nabura ng Land Transportation Office (LTO) ang 11-taong backlog sa plaka ng motorsiklo matapos makagawa ng 5.4 milyong plaka ngayong 2025.
“Sa wakas, sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., at matapos ang 11 taon, nabura na natin ang backlog sa motorcycle plates,” ani Transportation Secretary Vince Dizon sa isang press conference sa Malacañang.
Ayon kay LTO Acting Assistant Secretary Greg Pua, pinalakas ang produksyon nitong nakalipas na dalawang taon. Noong Hunyo 30, umabot sa 18.5 milyon ang nagawang plaka — 11.8 milyon para sa motorsiklo at 6.7 milyon para sa iba pang sasakyan.
Mahigit 7 milyong plaka na ang naipamahagi sa mga may-ari. Santi Celario