Home NATIONWIDE Pag-veto sa NPU bill, pinanghinayangan ng PUP

Pag-veto sa NPU bill, pinanghinayangan ng PUP

232
0

MANILA, Philippines – Nahaharap sa kawalan ng katiyakan ang Polytechnic University of the Philippines (PUP) na may 90,000 studyante sa 26 na kampus sa buong bansa kasunod ng ikalawang veto ng panukalang National Polytechnic University (NPU) charter bill.

Kinumpirma ng Malacanang na tinanggihan ni Pangulong Ferdiand Marcos Jr. ang panukala na binanggit ang mga alalahanin sa pagganap ng institusyon, mga implikasyon sa regulasyon, at ang bisa ng ilan sa mga satellite campus ng PUP.

Sinabi ng PUP sa isang pahayag na ang hakbang ay epektibong pumipigil sa kung ano ang maaring maging isang mahalagang transisyon para sa 120-taong gulang na institusyon sa isang ganap na chartered polytechnic university na may garantisadong karagdagang suporta ng estado.

Sa ilalim ng panukalang NPU bill, ang PUP ay makakatanggap sana ng dagdag na P100 milyon taun-taon sa loob ng limang taon na pondo para sana tugunan ang matagal nang kakulangan sa badget nito at gawing moderno ang imprastraktura kabilang ang mga laboratoryo, silid-aralan at mga digital system.

Binanggit ni Marcos sa kanyang veto ang tatlong pangunahing dahilan ng pagtanggi s apanukalang batas.

-Ang ‘subpar’ na pagganap ng PUP batay sa klasipikasyon nitong 2016 SUC level II mula sa Commission on HIgher Education (CHED);

-ang legal na batayan ng 14 sa mga kampus nito na nilikha sa pamamagitan ng mga resolusyon ng Board of Regents (BOR); at

-ang mga alalahain na ang pagbibigay sa PUP ng institutional autonomy ay makakasia sa awtoridad sa regulasyon ng CHED.

Ang parehong panukalang batas ay na-veto na rin noong 2018 ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na binanggit ang parehong alalahanin,

Nangatuwiran naman ang PUP na ang mga alalahanin ay nagmumula sa hindi napapanhon o hindi tamang datos.

Kinuwestiyon din ng veto ang legal na batayan ng ilang satellite campus.

Ayon sa PUP, ang mga kampus ay naaayos sa Seksyon 11 ng Presidential Decree 1341 na nag-uutos sa unibersidad na palawakin ang regional access sa edukasyon. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here