Home NATIONWIDE Crackdown sa pekeng plaka, kasado na

Crackdown sa pekeng plaka, kasado na

206
0

MANILA, Philippines – Nagbabala si Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon nitong Martes na mahaharap sa pagkakulong ang mga gumagawa ng illegal vehicle plate kapag hindi nila ititigil ang kanilang aktibidad kasunod ng pagkakaaresto sa apat sa San Ildefonso, Bulacan.

Sa isang pahayag, sinabi ni Dizon na ang pag-aresto kamakailan ay una lamang sa maraming operasyon laban sa mga gumagawa ng ilegal na plato.

“Para sa mga gumagawa ng ganitong kalokohan, itigil niyo na ito kasi hindi namin kayo titigilan,” anang kalihim.

Ang mga pekeng plaka na ito ay kadalasang ibinebenta sa social media at nagkakahalaga ng humigit-kumulang PHP1,200.

Idinagdag niya na ang mga pekeng plaka ay may malaking pagkakaiba sa orihinal na mga plakang inilabas ng Land Transportation Office (LTO), tulad ng walang mga security features tulad ng QR Code verification.

Sa isang pahayag, sinabi ni LTO Acting Assistant Secretary Greg Pua na ang apat na indibidwal ay naaresto sa joint operation ng LTO at Philippine National Police (PNP)-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) noong Sabado.

Isinagawa ang imbestigasyon matapos makumpirma ang ilegal na gawain ng mga suspek. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here